wow. namiss ko to. haha. medyo matagal-tagal narin mula nung huli akong magtayp ng mga kwento dito. at dahil medyo mahaba ang bakasyon ko dahil walang pasok, heto na! (waaaaah! namiss ko talaga 'tong tabulas. huhu...)
simulan natin ke Ondoy. hmmm...nung sabado, kasagsagan ng bagyo, nakuha pa namin ng mga classmate ko na mag videoke sa sm manila. trip lang, pampatanggal stress. (nakakamatay kasi ang pag-aaral). at dahil hindi namin masyadong trip ang mga bagong kanta ngayon, mga lumang tugtugin ang binanatan namin. tumagal kami ng halos isang oras mahigit sa karaoke hub, lalu na nung kinanta namin ang mga hits ng mga boybands. pauwi na sana kami para maghanda sa birthday party na pupuntahan namin nang makita naming lagpas hita na ang baha.
hinintay namin na humina ang ulan, pero mas lumakas pa ito. at pagkalipas ng ilang minutong pagchichismisan, naisipan na naming lumusong sa baha, since maraming tao narin ang gumagawa nun. no choice eh, baha na talaga. hinigi ko yung freezer bag dun sa guard, pansaklob sana namin, pero sa ending, nagpakabasa narin kami 
enjoy lumusong sa baha lalu na kung kasama kang mga kwelang classmate, at magtatawanan kayo ng magtatawanan habang nabubwisit yung iba. pero buti nalang talaga magkakasama kami, haha. eh kung magisa ka lang siguradong magiiiyak ka sa inis. nakauwi ako ng cavite mga 3:00am, at buti nalang sumabay ako sa tatay ko kundi baka inumaga na talaga ako. waaah.
hay Lord, sana wala muna pong bagyo, puhlease?
sana maligaw si pepeng, o kaya magevaporate nalang siya.
pichur pichur muna kahit bumabagyo at baha na 

(jean, diane, ako, ulysses)

waterproof na kami!!

ewan ko nalang kung mabasa pa ako ni Ondoy! bwahaha!

tawa ka pa jan, basa na underwear mo! haha 

plastic scarf. why not?

Bitels. nung magvolunteer kami sa relief operations sa school. Yay! anjan na yung trak! dali!!
hay. aral muna ulit 
Currently listening to: sunday's best - augustana.